ang paghihintay

May 5th, 2009 by chazer-jane

 

“All good things come to those who wait patiently.” buong buhay ko, sinabuhay ko yang quote nayan. maghintay, maghintay,at maghintay.minsan, nakkawala na ng pag asa,pero naghihintay parin.

     Ako pa naman yung taong maikli ang pasensya.pero i am capable naman of waiting.pag talagang gusto koyung bagay nayon.maghihintay ako.

    Mayroon akong taong hinintay.Oo,hinintay.pero ayaw ko nang hintayin. parang…sayang ang effort e.

   There’s a same situation na nabasa ko sa isang online mag.MAy babaeng humingi ng advice.Dahil yung boyfriend nya, pumunta para magsundalo(ayon sa pagkakatanda ko.)Sabi nung guy, babalik sya. pero 5 years na ang nakakaraan, ni “hi” ni “ho”, wala.

 ”if i were you, hindi nako maghihintay. i have been into that kind of situation din. may boyfriend ako, umalis papunta ng ibang bansa kasama ang pamilya nya.Hindi naging constant ang communication at isang araw, nabalitaan ko nalang na umuwi na sya. may kasama nang asawa . Hirap non! handun sya sa malayo nagpapakasaya habang ako,tatlong taong hinihintay sya.” yan yun response nung adviser.

   Pag hinintay mo ang isang bagay, isang tao,isang pagkakataon, atpb…may kasamang expectation yon,.hindi ba? At once na nag expect ka, at hindi nagyari, madi disappoint ka diba?.kaya ngayon hanggat maaga pa, pilit kong tinututuhan kung paano hindi umasa.masakit.mahirap.

   Babalik daw sya. Anytime.Pero ngayon naniniwala nako, na If the date of an event  remains vague,it will not happen.Anytime means no time.

Takbo

February 19th, 2009 by chazer-jane

Nagsimula ang buhay ko sa isang takbo.Sinuot ko ang “rubber shoes ko”.Para pag may bubog,ligtas ako.

   Tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo.Hanggang sa unti-unting nauubos ang lakas ko.Ngunit napakasaya  ko kasi, nakakalimutan ko ang sakit,hinanakit at galit sa dibdib ko. Tila sa pagtakbo ko, sa bawat hakbang, naiiwan na doon ang hilahil ko.

   Tumatakbo ako ng walang patutunguhan.Nakapunta ako kahit saan. Sa madilim, doon ako unang dumaan.Marami akong natapakan, marami akong nasugatan.

  Ngunit dahil lang naman sa kanya kaya ako tumatakbo. Para malimutan ko ang sakit na dulot ng pagkabigo ko. Habang kasama niya siya, nasasaktan ako.

 Huminto ako ng saglit.Doon ako umiyak.tumangis ng tumangis. Inisip ang lahat ng bagay,ngunit wala paring nangyari.

Nang tumatakbo ako, may sumabay sa akin.Tila tulad ko, ang takbo niya ay may dahilan din. “saan ka pupunta?” sabi nya sa akin. “hindi ko alam” ang aking sinagot.

Ngunit magkaiba kami ng dahilan sa pagtakbo. Mukhang may pupuntahan sya,hindi katulad ko. Kaya sumabay ako sa kanya,kahit hindi ko alam kung saan tutungo.

Dumaan kami sa liwanag.Maganda pala.hindi tulad sa dilim,talagang nakaririmarin.Tinuruan niya ako kung paano tumakbo ng tuwid.Nung nadapa ako,hinawakan nya ang kamay ko,at sinabi sa akin”Sasamahan kita patungo sa tagumpay”

“Maging mabilis ka!ngunit huwag kang magmamadali.”Yan ang sabi nya sakin habang tumatakbo kami ng matulin.Ang mabilis, maingat,armado.Di tulad ng magmamadali,pabara bara kung kumilos.

Madami akong natutuhan sa kanya doon sa aming takbo.kaya’t minsan,natagpuan na lamang namin ang aming mga sarili,hayan na!malapit na sa dulo.

“handito na tayo!”magalak kong sinabi.Ngunit biglang nabawi ang ngiti sa aking mga  labi.”Pero tila masyadong malaki itong tagumpay na ito para sa akin.Hindi ko yata kayang tanggapin.”

Bigla bigla ay nagsalita siya at sinabi sa akin”Ang tagumpay ay ang kapayapaan ng kaisipan.Na direktang nagbubunga ng pagiging kontento sa sarili.Na alam mo na ginawa mo ang pinaka  kaya mo para maging pinaka magaling sa lahat sa abot ng iyong mkakaya.Para sa iyo iyan.Dahil tumakbo ka ng mabuti.”

  Masaya ako sa mga nangyari.Lalo na’t hindi ako iniwan ng aking kakampi.Tinuruan nya ako kung paano bumangon sa dilim.Kung paano mangarap at magtagumpay.

Tumakbo ako ng mabuti.Tama.